Sunday, December 12, 2010
In Tagalog pls....
Mejo matagal na din akong nagbablog at sa kaunaunahang pagkakataon, susubukan kong maghayag (shet ayokong magmukhang super pormal) ng aking saloobin sa wikang tagalog. Marahil sa aking mga regular na nagasubaybay, e natatawa na kyo ngayon dahil kahit ako ay natatawa na din sa sarili ko. Hindi ako makata at lalong wala kong kahilig-hilig sa panitikan. Marahil nais ko lang lumihis saking nakagawian. Pinapahirapan ko nanaman ang sarili ko. Ano ba kse gusto ko patunayan? Ma at pa!
Mamimiss ko ang taon na ito. Taon ko to alam ko. Yes!! Nakaraos din ako ng bongga kahit paano! Marami din akong nagawa at napatunayan sa sarili ko. Dumami ang mga kaibigan ko,dumami din ang mga napahanga. Pero ang pinaka mahalaga sa lahat, madaming-madami akong natutunan ngayong taon kumpara sa mga nakalipas. Tunay ngang magaling na guro ang tadhana. Marahil sinabi ng langit na, "Kailangan mo ng matuto Mae. 8 yrs ka na ding nahihibang." Eto na nga, at natuto na din ako kahit pano.. Ngunit alam ko at dama kong umpisa palang ito. Sa pagtatapos ng taon, magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. Excited sa sandamakmak na plano kong gawin. Takot dahil di ko din sigurado kung tama ba ang ginagawa kong pagpaplano dahil lahat ng mga pinakamasasayang pangyayari ngayong taon ay di ko kailanman inasahan. Ako na marahil ang pinakamaswerte dahil napalibutan ko ang buhay ko ng mga kaibigan. Sina Frank, Badeth, Mitch atbp., sila ang nagbalik ng kabuluhan sa buhay kong noo'y walang kulay. Minsan, may tampuhan, di pagkakaunawaan ngunit napagtanto ko na kapag mahal mo ang isang tao, di mo pala magagawang magalit sa kanila tulad ng mararamdaman mo sa ibang hindi malapit syo. Mahal ko sila, yun ang alam ko.
Maliban sa mga naipon kong mga kaibigan at natutunang aral, hitik na hitik din sa mga larawan ang taon kong ito. Di mabilang na mga litrato ang bumalot saking daigdig. Iba't ibang kwento at ala-ala na buong ingat kong ikakwadra at ilalagak sa kastilyo ng aking kaluluwa. (taena ayan ka nanaman e). Pwera biro, hindi ako bolera. Kapag sinabi ko, sinabi ko! Hindi rin ako"drawing" at lalong hindi ko masikmura ang maging plastic. Hindi naman ako kawiwilihan ng mga tao kung showbiz at plastik ako.
Nahanap at nakausap kong muli ang mga taong naging malaga sakin noong aking kabataan. Ang dami ko palang bestfriend! Hanep! Unti-unti kong nahabi ang mga alaala ng nakaraan na syang mahalagang sangkap sa paghubog ng aking katauhan.
Sapat na kaya ang kumpyansa't lakas ng loob na naipon ko para sa hinaharap? Bahala na si batman! Basta ngayon ang alam ko lang, masaya ako't nakaya ko mag-isa! Masaya ako dahil muli kong nabawi ang sarili ko nang buong tapang at walang pagpapanggap. Masaya ako dahil naihahayag ko ang aking mga saloobin sa iba't ibang sining. Masaya ako saking sining at pagiging artista. Sa kabila ng lahat ng ito, pinipili kong maging mapagkumbaba. Hinubog ako ng aking ina sa mundo ng mga taong totoo. Pinagaral ako sa simpleng paaralan, kasama ang mga simpleng tao at ang aking mga pangarap ay di nalalayo sa mga pangarap mo.
Sa kabila ng simpleng pamumuhay, walang araw na hindi sakin pinadama na ako'y espesyal. Musmos palang ako, alam kong balang araw mayroon akong gagampanan na magpahanggan ngayon ay patuloy parin ang pag-alab nitong paniniwalang ito saking puso. Ito na marahil ang sagot kung bakit walang sawa kong tinatahak ang bawat landas hanggat di ko nagagampanan kung anuman yum. Saking patuloy na pagtahak saking landas, Dalangin ko nawa'y di na rin magtagal ang aking pagiisa. Alam kong mayroong nagiisip sakin... Nararamdaman ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
astig! superlike! :)
ReplyDeletengak! kakahiya!
ReplyDelete