Time out na muna sa inglisan. Pahinga muna konti dahil nakakapiga ng utak. Pagod na pagod ako today! Eto nga mukhang halata sa pics...... hahha
Very busy ang week na ito! Basta yun na yun. To sum it all up, though it was so darn stressful, I was able to prove myself that I can do it. Hala ipush ang sarili para tumino! Matindi ang bilib ko sa sarili ko. Hindi ako narcissist… alam ko madami ding magagagaling dyan and I don’t care. I’m not here to compete… I’m here to live and lead a meaningful existence. Wala namang masama kung pahalagaan at bumilib sa sarili e. Kundi ikaw ang mag-aappreciate, sino pa?
Mejo nag-aalangan ako these past weeks. Naisip ko, kundi ko ichachallenge ang sarili ko, walang saysay ang lahat ng mga pinagsusulat ko sa blog ko. Wala kong pinagkaiba sa mga taong puro salita lang. Mga drawing. I should practice what I preach kumbaga. I wanna be credible. Para kapag sinulat ako, alam kong totoo talaga kse naexperience ko 1st hand.
Anyway, pansin ko kse ang daming nagtatanong saken. As in! Minsan feeling ko, “teka, ako na ba pumalit kay Ka Ernie Baron?” Nakakaaliw kse iba ibang tanong ang naeencounter ko. Ewan ko kung dahil ba madami akong alam o wala lang silang ibang matanong o curious lang sila sa isang tulad ko. Sa totoo lang, madami siguro matatawa kung sasabihin kong seryoso akong tao. Hehehe Pero totoo yun. I adjust to any given situation. I can fool around anytime I please and I can be dead serious if necessary. As I was saying a while ago, ayun, sa sobrang daming tanong, naisip kong ilista ang mga natatandaan ko para masagot ko lahat nang maayos (hopefully). Kadalasan kse binibigla ako…hindi ako ready. Ayoko naman kse magbigay ng walang kwentang sagot. Kaya nga ko tinanong in the 1st place kse the person trusts me so ayokong sayangin yun. I’m not a smart alec, and I don’t hold the answer to the mysteries of the universe… but I do have a lot of experiences and stories to tell. I guess that’s what sets me apart from the rest.
So eto na, hindi ko na babanggitin kung sino ang mga nagtanong, mababasa nalang nila dito I’m sure.
Ate ano ang SKA? – nakupu! Pwede ba next question na? Usually, ang mga sagot na narinig ko... Jamaican pop music ilang dekada na ang nakalipas at may super long history na wala kong kabalak-balak isulat kse never naman talaga ko nagmemorize ng historical facts. Yes, I did read books, exposed myself to the skinhead culture pero pinakamahalaga sa lahat, minahal ko ang musikang ito at masasabi kong may puso ako para ditto. Hindi ako mananalo sa mga debate sa Jamaican Music Quiz bee ng iba.. nakakabilib ang talas ng memory nila. I have no issues with them whatsoever and mahal ko ang mga ka-eksena ko pero basta ako, my concern has always been about the music and how I can contribute to kick it a notch higher. Kaya nga ko nagsimulang magsulat ng sariling mga kanta e. I don’t wanna be stuck in the past. I don’t just wanna be one of those typical vocalists. I’m a songwriter. I’m an artist. SO my message is, kung gusto mong malaman talaga ang sagot sa tanong na to, alamin mo. Alamin in a sense na kilalanin mo mga taong bumubuo nito. Wag lang puro asa sa internet. Aralin mo ang musika, hindi lang puro porma. AT kapag natutuo ka, wag lalaki ulo kse halatang halata e. hihihi
Puro English lang ba kyo sa bahay ate? – ngek! Hindi syempre! Ahahah autistic lang talaga ko nung bata. Babad sa Sesame Street at Jim Henson Hour. Mahilig ako manood ng English shows. Mahilig ako manggaya noon, lalo na mga accents and pananalita ng mga naririnig ko. Kaya ayun natuto ako. Hindi ako yung tipo ng batang, pahirapan para lang mag-aral. Oo tamad ako pumasok noon. Madalas nagdadahilan kaya lagi ako absent pero tuwing may homework, never ako nagpatulong sa Mama ko kse madami naman akong nakokopyahan! Hahaha ginagamitan lang ng charms! Hahaha joke!
Mae anong magandang theme sa kasal? Ahaha hindi ko alam kse hindi ko naman alam ang history nila. I think sa mga ganito e dapat something na relevant. Yung may kinalaman sa inyong dalawa kse special day ito e. For example, mahilig kyo sa luma, edi go for a retro theme. O kaya mahilig kyo mgtravel edi add lots of things na may kinalaman dun. Thinking of a concept is seriously challenging so you really have to think out of the box. Another tip I can give is to always make it romantic. Kasal to ok? Hindi ito Glam shoot. Hindi kyo magmomodel ng Guess o Abercrombie. It’s all about the 2 of you. SO focus on that. Focus on the love.
If you were to ask me about my preferred theme, gusto ko naka suit lahat. MOD! Classic sleek. for prenup naman, gusto ko prenup sa kusina, habang nilulutuan ko ang fiance ko. Very symbolic and romantic.Wala pa kong nakitang ganun so gusto ko yun matry.
Ate anu maganada burger business name? nyak! Hindi ko alam wla talaga ko masagot. I need more time and background about the owner etc. Pinagiisipan ang mga bagay na ito talaga.
Ate anu maganada burger business name? nyak! Hindi ko alam wla talaga ko masagot. I need more time and background about the owner etc. Pinagiisipan ang mga bagay na ito talaga.
Ate ano ba magandang sagot sa job interview? Ahhh well, remember, you don’t really need to memorize. Boring na kse ang mga usual answers. Believe me, nakakasuka pakinggan kse alam mo naming hindi totoo. Nabasa lang sa kung saan. Best advice, draw your answers from your own experiences. We all have our own set of interesting stories. Be honest. If you didn’t understand the question, be polite to ask. It’s just a matter of effective communication. Don’t be afraid to admit your weaknesses lalo na kung naovercome mo na to. Kung hindi pa, be sure to have a plan on how to handle and overcome it. Mas maaapreciate ng interviewer ang iyong honesty I swear. Answer from the heart.
Ms Mae pano mo nagagawa yang mga nagagawa mo? Ahahaha hindi ako nahihiya talaga e. Yun lang. I feel very comfortable with myself. I don’t care what others think of me. I know my limits. I know my strengths. I like laughing at myself.
Natutulog ka pa ba? Ahahaha oo naman! Grabe na to ha!
Ano ang specialty mong recipe? I think it still would be my famous Shrimp, Bacon and Garlic Pasta.
Pano mo minamanage ang stress? Yung totoo? Kapag super antok o sakit na ng ulo ko, I do something crazy. I change my hairstyle to something hilarious, I wear a fake moustache etc then I make people laugh. Instant energy talaga! Ahahaha tried and tested. I believe it’s about the positive vibe I create that recharges my life force. Totoo to!
Ate anong type mo sa guy? Wala naman talagang specific. Basta kasundo ko, me chemistry at tanggap ako. Di mahalaga kung artist o hindi basta simple at totoo sa sarili. Yoko sa immature at paimportante. Naiirita ‘ko sa mga seloso kse it’s a clear sign of insecurity. Ayoko din nung walang tiwala saken. AH.. gusto ko lalaking highly conservative tulad ko at higit sa lahat yung Romantiko!
Ate pano ko ba makakalimutan si ex? Ahahahah lagi nalang to tinatanong saken but the best answer I can give is, it takes a lot of mind setting. Isa na pinakamahirap na pinagdadaanan ng isang tao. Alam na alam ng mga friends ko ang mga ginawa ko noon. Good thing, I was able to get over it.Nasa kung pano ka lang talaga magrereact.Mind setting.Think rational. Dapat i-let go ang isang bagay na hindi naman nakakabuti syo. Control and knowing what you deserve and build your self confidence.
Ano favorite song mo? Nakupu! Hatest question. Per genre dapat! Sa sobrang dami, pati ako naguguluhan!
Nagdadrugs ka ba? UU and I buy them at Mercury Drug! Ahahaha joke! Syempre hindi!
Meron ka pa bang hindi kaya gawin? Madami syempre. Hindi naman ako superwoman. I think nageexcel lang kse talaga ko sa mga bagay na kinahihiligan ko kaya feeling ng madami kaya ko lahat. Hindi ako marunong magdrive, magroller blades at lumangoy. Semplang ako sa Math.
Are you a lesbian? Ngak! at sang lupalop nyo naman nasagap ang balitang yan? Wahahaha I know I may be boyish at times lalo na saking way of walking and gestures pero girl na girl ako from within and I will never ever be a lesbian. Homophobic nga ko e! hahahah Sa tingin ko mas girl pa ko sa iba dyan.
….. I hope I was able to answer them well. Madami pa actually e, pero eto nalang muna okies?
Happy weekend yto you all!! God Bless! Mwah!!
nice!
ReplyDeleteHi Maeh!!!
ReplyDeleteCongratulations! I like your blog. I believe everyone is entitled to his/her own opinion, so speak out!! See you around on weekdays and maybe, we might just bump into each other in any of the restaurants - mahilig kasi tau kumain. More power!!! Regards :>) Vicky
Hahahahaha! ano vah?! at may lesbian question?! sino nagtanong nun ng makatay!!!! hahahahahaha!
ReplyDeleteI like yung about sa ex...ihihihihi....- Lani
magsubscribe ako ule...