Wednesday, March 23, 2011

Minsan....

... gustong kong maglaho. Mawala. Kalimutan ang mga obligasyon at isipin lang ang aking sarili. Magsusulat ako nang masusulat. Ilalathala ko lahat ng aking nararamdaman, opinyon at mga konsepto. Ganito lang talaga ako at konti lang ang may alam at nakakaintindi nito.





... sa sobrang dami kong naiisip na kung anu-ano, minsan naiinis na din ako sa sarili ko. Nawiweirdohan na din ako. Alam ko hindi naman ako henyo, pero tanggap ko ang sarili ko bilang abnormal... at least hindi sub-normal!
Mabuti nalang pinatatyagaan ako ng mga kaibigan ko. hihihihi Napapasaya ko din sila marahil.

.... naiinis ako sa mga babae!
Sa mga babaeng saksakan ng insecure! Ang dami dami kong nakikita dyan... mga babaeng super gaganda, makikinis, tisay... pero dahil nga sa pagiging kapit-tuko, walang kumpyansa sa sarili at masyadong "needy," nilalayasan sila ng mga kasintahan nila. Kahit siguro ako kung naging lalaki ako, ayoko din ng ganun e. Yun lang naman ang ugat kung baket may mga selosa, mala koala sa pagka-clingy at madrama...insecurity. Nagseselos sa iba kse insecure sa kung anong wala sa kanya. Clingy dahil ayaw maagawan dahil insecure. Madrama dahil feeling nya laging di sya karapat-dapat....dahil nga insecure. Hay!!! ewan ko ba! Sana mejo alalay naman! Yung tamang levels lang. Ayus din naman yung me konting selos at drama pero wag naman yung OA. Saken, imbis na magselos at magdrama ko, aayusin ko nalang ang sarili ko para ipakita sa iba kung gano ako kahalaga.

.....gusto kong magbabad sa kusina at magcooking marathon! Walang biro! Mag-iinvite ako ng mga kaibigan at bubusugin ko sila na parang mga patabaing baboy hanggang sumuko ang mga panga nila kakakain! hahahha!!

.... gusto ko ng magka-anak. Totoo pala yung maternal instinct kapag 30 ka na. Gusto ko magpalaki ng sanggol saking sinapupunan. Gusto kong mapuyat ng may dahilan, Gusto kong mapagod ng may kabuluhan. Gusto kong ipamana ang mga kaalaman ko sa isang taong kakabit ng aking buhay. Hindi ako nagmamadali. Hinihintay ko pa ang lalaking makakasabay ko sa pangangarap. Dalangin ko yun sa twina -- na ang di mahuli ang lahat para samin..san man sya naroon.


....naiisip ko baket hindi pa ko mayaman. Baket hindi sapat ang sweldo ko? Baket hindi sinlaki ng kita ng iba ang kinikita ko? Marahil isa ito sa dapat kong pagtutunan ng pansin. Ang kung paano pa kumita ng pera para mabili ko yung mga bagay na alam kong makakatulong saking sining. Para mas mapasaya ko ang pamilya ko. Para makapag-aral ako muli ng pangalawang kurso!

... gusto ko ng sumuko at magpakalunod sa mga problema. Mahirap mag-isa. Pero alam kong di ako matututo kung lagi nalang ako aasa sa iba. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayoko pa sumuko hindi dahil sa takot ako o dahil sa alam kong may hangganan din ang lahat ng ito pero.... ang totoo... gusto ko pa matuto. Madami pa kong dapat matutunan sa buhay. Proud ako sa taglay kong sipag at tyaga. Ngayon, mas gusto kong paghirapan ang mga gusto kong makuha para mas doble ang tagumpay!!


..... pakiramdam ko, hinuhubog ako ngayon ng panahon. Hinuhubog para lalong tumibay. Binuburo para lalong tumagal at mahinog. Hirap ako ngayon aaminin ko pero dahil dito, lalo kong napapahalagahan ang mga bagay na nasa paligid ko.. pati mga taong kabilang sa mundo ko. Pakiramdam ko mas buhay ako ngayon!

... pakiramdam ko ang araw at ang buwan ay nagsasalitang magbigay liwanag para sakin..  Ang mga bituin, sadyang nagpapakita sa kalangitan upang masilayan ako. Ang mga ulap... pabago-bago ng anyo upang sila'y aking ngitian. Alam kong hindi ako santo (laitera ako at suplada minsan) ngunit alam kong mabait ako... madalas pa nga sobra. Gusto ko lang maging totoo sa sarili. Wala akong nililihim dahil ayokong magsinungaling kahit kanino lalo na saking sarili. Alam kong hindi ako tunay na kaibigan kung magsisinungaling ako sa kanila. Hindi yun kaya ng aking kunsensya. Mahalaga ako... mahalaga sakin ang may malinis na pangalan at reputasyon.


Alam kong wala sakin ang lahat. Madami pa akong gustong makamit at maranasan. Tyaga lang at panahon ang kailangan ko.  Gusto ko pa mabuhay nang matagal.
Gusto ko pa matuto,
gusto ko pa magpakasaya..

magpasaya.....

....magmahal!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...