Sunday, November 9, 2008
Simpleng almusal..... Maarteng ITLOG
hay..... Sabado nanaman!
feel na feel ko talaga magluto tuwing
weekends...
Ngayong araw, isang simple
ngunit garantisadong masarap na agahan ang aking inihanda....
Scrambled Eggs at Pan de Sal!!!
Inaaminin ko, napaka-arte ko pagdating sa pagluluto ng itlog! Maraming tao ang hindi marunong ng tamang pagluluto ng scrambled eggs. Kundi sobrang malasado ay very dry at over-cooked!
Madami na kong nabasang iba't-ibang paraan. May ibang naglalagay ng gatas, butter at keso etc... ngunit kung hindi pasok na iyong budget, kahit simpleng itlog, bawang at asin lang ay swak na!!
Ang technique ay nasa temperatura ng inyong kawali...
Sundan lamang ang mga sumusunod:
1. Buksan ang kalan, lagyan ng 1tbsp oil. Kapag mainit na, igisa
ang bawang hanggang mejo mag-brown na at aromatic na ang iyong kusina.
2.
Magbati ng 2 eggs. Add a pinch of salt. Batihin ito nang mabilis for 30 secs!!!!! Dali!!! Dali!!!!
3. Hinaan ang apoy ng iyong kalan... as in super hina!! WAG MATAKOT!!
4. Ilagay ang binating itlog at halu-haluin ito. Magbilang ng 10-20 secs or once namuo na ito ay maaari mo na itong i-flip sa kabilang side....patayin ang kalan at magbilang hanggang 10 secs.
5. Hanguin at ilipat sa iyong serving plate. Kasalukuyan paring naluluto ang itlog sa mga sandaling ito kaya hindi ito dapat ibabad sa kawali nang matagal.
at ang resulta..... ENJOY!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment