Saturday, November 29, 2008

My trip to Cubao X...

A few months ago... sinama ko ang aking mga rich amigas sa Cubao X para kumain sa Mogwai.

Masarap ang food nila... less than 200/order.. yun nga lang mejo maghihintay ka kse matagal bago iserve.

Ok naman ang ambiance..kahit sanay ako na sa 5star resto araw araw, not bad na din for a change.
Sa lugar na ito, laging tumatambay ang mga artist at "nag-iinartist" hahahah yung tipong spoiled brat na emo emo disturbed kuno na laging umaasa sa magulang! hahahaha
"artist ako pare! deep ako, deep!" ang masasabi ko lang.... ULOL!!!!

Madali lang sila marecognize... abangan nyo nalang sa next feature ko... pipichuran ko para sa inyo! hahaha

Anyway, balik muna tyo sa food... eto yung mga inorder namin that night..

Crispy Dilis! Panalo to! 90/order








Shrimp Overload: hmmm di ako gano happy kse majo maasim sya.. naoverpower nung olives at tomatos yung shrimps














Pasta with Roast Beef: ok din ito.. ayus lang
very tender yung beef













Chicken Liver Pasta with Crispy Dilis:
Eto ang da best! Looks weird pero
once you taste it, kakaiba!

Sosy at healthy...

Hay! Sobrang stressed out na talaga ko. Imagine, hindi ako nakaattend ng mga board meetings ko at pinacancel ko muna lahat ng flights ko dahil hindi ko na kinaya talaga. Problema ko parin ang pera.... sobrang daming pera.

Tuwing nase stress ako madalas ako nagfu-food trip magisa o kaya naman nagluluto

Noong hindi ko pa kaya lumabas ng bahay para magmahjong, nagprepare nalang muna ko ng chicha...

... Light Tuna Pita
Kelangan nyo lang ng mga sumusunod...

1. Fresh Tomatos atTuna solid in water na ginisa sa bawang at sibuyas
2. Fresh Gourmet Pita bread (whole wheat to)
3. Fresh lettuce



Procedure:
Ilagay ang lettuce, tuna at tomatos sabay ipasok sa bibig!!!


Eto na... very light at nakakabusog. Hindi ko na nilagyan ng sauce pero kung type nyo,
i think ok ang garlic mayo dressing samahan mo pa ng grated cheese! Enjoy!

Sunday, November 9, 2008

Simpleng almusal..... Maarteng ITLOG


hay..... Sabado nanaman!
feel na feel ko talaga magluto tuwing
weekends...
Ngayong araw, isang simple
ngunit garantisadong masarap na agahan ang aking inihanda....

Scrambled Eggs at Pan de Sal!!!

Inaaminin ko, napaka-arte ko pagdating sa pagluluto ng itlog! Maraming tao ang hindi marunong ng tamang pagluluto ng scrambled eggs. Kundi sobrang malasado ay very dry at over-cooked!
Madami na kong nabasang iba't-ibang paraan. May ibang naglalagay ng gatas, butter at keso etc... ngunit kung hindi pasok na iyong budget, kahit simpleng itlog, bawang at asin lang ay swak na!!
Ang technique ay nasa temperatura ng inyong kawali...

Sundan lamang ang mga sumusunod:

1. Buksan ang kalan, lagyan ng 1tbsp oil. Kapag mainit na, igisa
ang bawang hanggang mejo mag-brown na at aromatic na ang iyong kusina.

2.
Magbati ng 2 eggs. Add a pinch of salt. Batihin ito nang mabilis for 30 secs!!!!! Dali!!! Dali!!!!



3. Hinaan ang apoy ng iyong kalan... as in super hina!! WAG MATAKOT!!

4. Ilagay ang binating itlog at halu-haluin ito. Magbilang ng 10-20 secs or once namuo na ito ay maaari mo na itong i-flip sa kabilang side....patayin ang kalan at magbilang hanggang 10 secs.

5. Hanguin at ilipat sa iyong serving plate. Kasalukuyan paring naluluto ang itlog sa mga sandaling ito kaya hindi ito dapat ibabad sa kawali nang matagal.

at ang resulta..... ENJOY!!!






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...