Friday, October 10, 2008
Dapat laging simple...
Para lubos kayong maniwala...eto ang ilan sa mga gawain ko araw-araw...
Kahit marami akong slaves, mas gusto ko paring maglinis ng sarili kong
workplace. Naiirita kse ko kapag makalat ang paligid lalo na kung madaming
nakakalat na cash sa sahig. Mejo nakakapagod pero ayus lang..
Ayan kita nyo naman talagang kelangan mawalis lahat ng kalat.
Hindi kse ko makafocus kapag madumi ang paligid.
Syempre, hindi lang sahig ang dapat linisin....
ang mga bintana din dapat maging shiny!!!
Nadiskubre ko na magaling mag-absorb ng dust ang
cash. Wag mahiyang ikus-kos sa salamin! Try nyo din to!!
Magaling din mag-absorb ng water ang cash kaya ito rin ang
ginagamit ko panlinis ng cr. Tinuruan ko lahat ng mga muchacha
ko na ito ang gawin tuwing naglilinis ng aking mga ari-arian.
At least nagagamit ko din ang mga sobrang pera.
Sa susunod, magbibigay pa ako ng mga tips kung paano mamuhay ng simple....
....abangan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment