Sawa na kse ko sa caviar, foie gras, steaks at truffles e.
At dahil nga very low profile ako, kelangang matikman ko din ang mga
kinakain ng mga common people.
Kaya sa mga amiga ko dyan at kamahjong, eto ang step by step
process sa tamang pagprepare ng instant pancit canton:
Step 1: Bumili ng instant pancit canton. Ayon sa aking mga bubwit, ang brand na Lucky Me ang
pinakasikat pagdating sa mga instant pancit canton. Ang nakikita nyo ngayon ay yung Extra Hot flavor. Balita ko meron ding iba't-ibang flavor ito.. may original, calamansi at chilimansi etc.
Step 2: Lutuin ang noodles.
Aking napag-alaman na karaniwang nilalaga ito sa tubig ng mga
karaniwang tao. Ngunit sa pagkakataong ito...gagamit ako ng microwave
dahil mayaman ako.
at dahil nga mayaman ako... (hot) mineral water ang ginamit ko!
Ipasok ang noodles sa microwave...
...siguraduhing naka set sa "high" ang inyong microwave ok?
Lutuin ng 3minutes
maghintay... (be patient)
...shet ang tagal!! (konting tiis pa).....
Ayan!! ready na ang noodles!!
Hanguin at ilipat sa iyong serving plate..
Siguraduhing nadrain nang mabuti at hindi
malabsa ang noodles dahil ayun naman sa aking bodyguard,
hindi masarap kapag hindi "al-dente" ang noodles!
Step 4: Ihalo ang oil....(make sure na bagong manicure kung magpapapicture ng kamay)
.. balita ko, masarap daw ito kung sasabayan ng
nilagang itlog.
Maaari din itong lagyan ng sari-saring
toppings ayon sa inyong trip.
Mainam itong kainin kahit kelan!
O ayan mga amigas ENJOY!!!
... abangan ang mga susunod kong ife-feature!!!
No comments:
Post a Comment