Monday, October 13, 2008

Luxurious Food #1: Belgian Pralines by Leonidas

Maraming natanggap na katanungan ang inyong lingkod tungkol sa kung ano daw ba ang karaniwang kinakain ng mga rich na tulad ko so nagdecide ako na magfeature din ng mga
foods na hindi karaniwang natitikman ng mga common people....
Para ito sa may mga sweet tooth na tulad ko. I really like chocolates specially the expensive ones like Leonidas! They actually have a couple of shops here in Manila. 100grams cost around 500php! Good thing one of my business partners in Belgium gave me a box of pralines last weekend.....
wow! excited na ko!
hindi ito fake ok? Mejo kabado nga ko kse akala ko natunaw na sa byahe.
Ooohh lah lah!!!! panaginip lang ba ito??

Hindi!! Totoo nga!!! Hindi ko napigilan kaya kumuha na ko agad!
Isa pa nga! Oh my God nakakaadik!


I highly recommend na i-try nyo to kahit minsan. Satisfaction guaranteed! Don't deprive yourselves kumbaga... Kahit halos araw araw akong kumakain nito, hindi talaga ko nagsasawa!
But remember...hinay hinay lang ha? Ingatan ang figure.. wag nyo ako tularan!

for more info, eto ang kanilang website:
http://www.leonidas.com/pralines?id=HOMEEN


Friday, October 10, 2008

Common Food #1: Instant Pancit Canton

Happy talaga ko kse minsan lang ako nakakakain ng pagkain ng pangkaraniwang tao.
Sawa na kse ko sa caviar, foie gras, steaks at truffles e.
At dahil nga very low profile ako, kelangang matikman ko din ang mga
kinakain ng mga common people.

Kaya sa mga amiga ko dyan at kamahjong, eto ang step by step

process sa tamang pagprepare ng instant pancit canton:

Step 1: Bumili ng instant pancit canton. Ayon sa aking mga bubwit, ang brand na Lucky Me ang
pinakasikat pagdating sa mga instant pancit canton. Ang nakikita nyo ngayon ay yung Extra Hot flavor. Balita ko meron ding iba't-ibang flavor ito.. may original, calamansi at chilimansi etc.








Step 2: Lutuin ang noodles.

Aking napag-alaman na karaniwang nilalaga ito sa tubig ng mga

karaniwang tao. Ngunit sa pagkakataong ito...gagamit ako ng microwave

dahil mayaman ako.






at dahil nga mayaman ako... (hot) mineral water ang ginamit ko!



Ipasok ang noodles sa microwave...




...siguraduhing naka set sa "high" ang inyong microwave ok?




Lutuin ng 3minutes



maghintay... (be patient)



...shet ang tagal!! (konting tiis pa).....



Ayan!! ready na ang noodles!!


Step 3: Drain the noodles

dahan dahan dahil mainit!!


Hanguin at ilipat sa iyong serving plate..



Siguraduhing nadrain nang mabuti at hindi

malabsa ang noodles dahil ayun naman sa aking bodyguard,

hindi masarap kapag hindi "al-dente" ang noodles!




Step 4: Ihalo ang oil....(make sure na bagong manicure kung magpapapicture ng kamay)



... isunod ang soy sauce...



... wag kalimutan ang powder flavoring!! (Hindi ko alam kung ano ang
sangkap nito pero masarap sya pramis!!)


haluing mabuti



eto na ang ating finished product!!!!


.. balita ko, masarap daw ito kung sasabayan ng
nilagang itlog.
Maaari din itong lagyan ng sari-saring
toppings ayon sa inyong trip.
Mainam itong kainin kahit kelan!
O ayan mga amigas ENJOY!!!
... abangan ang mga susunod kong ife-feature!!!






























Dapat laging simple...

Believe it or not, mahirap maging mayaman pero so far, nakakayanan ko naman. Magaling kse ko magdala. Lagi ako sinasabihan ni papa na lagi daw ako maging low profile... kaya araw-araw, pinipilit kong mamuhay nang normal at simple.

Para lubos kayong maniwala...eto ang ilan sa mga gawain ko araw-araw...







Kahit marami akong slaves, mas gusto ko paring maglinis ng sarili kong
workplace. Naiirita kse ko kapag makalat ang paligid lalo na kung madaming
nakakalat na cash sa sahig. Mejo nakakapagod pero ayus lang..


Ayan kita nyo naman talagang kelangan mawalis lahat ng kalat.
Hindi kse ko makafocus kapag madumi ang paligid.



Syempre, hindi lang sahig ang dapat linisin....
ang mga bintana din dapat maging shiny!!!


Nadiskubre ko na magaling mag-absorb ng dust ang
cash. Wag mahiyang ikus-kos sa salamin! Try nyo din to!!



Magaling din mag-absorb ng water ang cash kaya ito rin ang
ginagamit ko panlinis ng cr. Tinuruan ko lahat ng mga muchacha
ko na ito ang gawin tuwing naglilinis ng aking mga ari-arian.
At least nagagamit ko din ang mga sobrang pera.

Sa susunod, magbibigay pa ako ng mga tips kung paano mamuhay ng simple....

....abangan
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...